Sunday, September 9, 2012


BUTO'T BALAT LUMILIPAD: Mga Simpleng Pangarap

sa wakas, nasubukan ko na magpalipad ng saranggola, all by myself. haha! bata pa lang ako nun nung una ko makahawak ng saranggolang lumilipad. naramdaman mo na ba yung ganung feeling? pag hawak mo kasi yung tali na connected sa kite medyo mabigat s'ya at nkakakaba kasi parang anytime pwede maputol yung tali pero nakakatuwa din siyang hawakan kasi pag hinihila mo yung tali gagalaw din yung kite ang sarap niya paglaruan. kaya hindi ako nagtataka kung bakit maraming bata ang gawa ng gawa ng saranggola at umaakyat pa sa mga bubong nila para lang mapalipad ang saranggola kasi kakaiba yung ligayang naihahatid nito sa kanila at nakakalibang talaga ang papapalipad yung tipong ikaw rin gusto mo na ring lumipad. minsan nga nahahambing ko ang mga saranggola sa pangarap ng mga bata e. kasi sa pag-gawa nila ng mga saranggola para silang bumubuo n mga simpengpangarap tapos umaasa sila na matayog ang liliparin nito. tapos pag nakagawa na sila aakyat pa sila sa mga bubong at kung saan-saang matataas na lugar at ilalagay pa sa panganib yung buhay nila para lang mapalipad ang hamak na saranggola. para ding pangarap natin gagawin natin ang lahat para matupad ito. kakaiba kasi yung feeling kapag nkita mo yung saranggola mo na lumilipad at nkikita siya ng maraming tao.
                                                                     
nung bata pa kasi ako nagpapalipad na yung mga older cousin ko sa may ilog kasi malakas yung hanging don. sumasama ako sa kanila at pinapanood ko lang sila magpalipad tapos pag mataas na pinapayagan naman nila akong hawakan yung tali at nung nakahawak ako ng saranggola nasabi ko sa sarili ko na someday makakapagpalipad din ako ng saranggola nang ako lang. kaya lang hindi na natupad yon until today, kasi naman tuwing summer lang nauuso ang pagpapalipad ng sarrangola at ngayon lang ulit siya nauso dito.
                                            
 kaya nga kanina nung makita ko na gumagawa ng sarangola ang mga cousin ko ay nakisali na rin ako (parang bata lang ulit). at ayun after gumawa ay umakyat kami sa aming bubong dahil mas malakas yung hangin doon at walang sagabal na mga bahay sa pagpapalipad (yung bahay pa talaga yung sagabal e). tiniis namin yung init ni haring araw para lang magpalipad. yung saranggola ng cousin ko 'telephone' daw tawag dun at yung sa akin ay simpleng diamond shape na kite. sinubukan ko magpalipad ng simpleng saranggola, hindi madali. nandyan yung akala mo okay na yung paglipad niya pero biglang babagsak kaya iiigid mo ulit yung tali at maghihintay ka ulit ng malakas na hangin saka mo papaliparin ulit. yung sa pinsan ko ang nauna makapagpalipad (bihasa na yun sa pagpapalipad e). tapos ako subok lang hanggang sa unti-unti ng tumataas yung saranggola, nakakakaba pala pag paumpisa pa lang na umaangat yung saranggola mo ang likot kasi niya sa ere at mas malaki yung tendency na bumagsak siya. at sa wakas nga napalipad ko rin ng maayos yung saranggola kahit na yung lipad nito ay malikot at minsan ay bumabagsak pero nakakabawi naman ulit. ang saya talaga pag nakita mo nang lumalayo sayo yung kite at nakikita na rin sya ng maraming tao. worth it lahat. haha!
                                                                     

pag mataas na kasi yung saranggola, steady na yung lipad nya sa ere, hindi na malikot. kaya ang ginawa nung pamangkin ko itinali nya muna yung kite sa isang pako hanggang sa sumabit bigla sa yero yung tali at naputol. sayang :( nanghinayang talaga ako nung makita kong papalayo yung kite. pero ayos lang kasi buhay pa naman yung sa akin. hindi naman forever na lilipad yung saranggola mo. kaya after na magpalipad ng isang oras dumating din yung time na naisipan kong kunin na yung kite ko. kaya lang... sa kasamaang palad bumagsak yung saranggola ko. :( nakakalungkot. dalawa pa silang bumagsak. pero kahit ganun ang sinapit ng mga saranggola gagawa ulit kami at magapalipad ulit bukas. parang mga pangarap lang ulit. hindi ka titigil kahit pa dumating yung time na nasira na ang lahat. kung ganun man yung mangyayari edi gumawa ka ulit. wala namang masama na magumpisa ulit e. kaya sa susunod, alam mo na kung ano yung mga dapat gawin if something went wrong. mangarap ka lang. natural lang ang magkamali ang mahalaga mkabawi ka ulit parang saranggola. :)